Brgy. Elections sa Oktubre nais ipagpaliban ng COMELEC

by Radyo La Verdad | May 26, 2016 (Thursday) | 958

chairman-bautista
Matapos ang May 9, 2016 elections, isusunod naman ang pagdaraos ng barangay elections sa Oktubre.

Subalit para kay COMELEC Chairman Andres Bautista dapat ipagpaliban na muna ang barangay elections ngayon taon.

Kabilang din sa nais ipostpone ng poll chief ang SK elections nasa Oktubre rin idaraos.

Manu-mano ang halalan sa barangay kaya isa sa malaking pagkakagastusan ng COMELEC ay ang kukuning mga Board of Election Inspectors.

Ayon kay Bautista makikipag-ugnayan sila sa Kamara, Senado at maging sa ehekutibo kaugnay sa panukalang ito.

Kapag na postpone ang halalan mapapalawig ang termino ng mga kasalukuyang namumuno sa barangay.

Isang panukala ang nakahain sa mababang kapulungan ng kongreso na iminumungkahi na ipagpaliban ang barangay polls ngayong taon at itakda na lamang sa 2018.

Suportado din ng kasalukuyang Senate Local Government Committee Chairman na si Ferdinand Marcos Jr ang postponement ng barangay elections upang mapag-aralan kung paano mas mapapabuti ang sistemang pambarangay.

(Victor Cosare/UNTV NEWS)

Tags: