Brgy. Captain sa Mataas na Kahoy Batangas, patay sa pananambang

by Radyo La Verdad | March 3, 2016 (Thursday) | 2287

BATANGAS
Isang Barangay Captain ang nasawi matapos tambangan ng riding in tandem sa bayan ng Mataas na Kahoy sa Batangas.

Kinilala ang biktima na Si Jacinto Gardiola 58 taong gulang at residente ng Barangay Dos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakipagpalitan pa ng putok ang kapitan sa isa sa mga suspek na ikinamatay rin nito.

Samantala nakatakas naman ang isa sa mga gunman sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Patuloy naman ang manhunt operation ng mga otoridad sa nakatakas na suspek.

(Sherwin Culubong/UNTV NEWS)

Tags: ,