Brgy. captain na may-ari ng punerarya kung saan dinala ang labi ni Jee Ick Joo, nakaalis na umano ng bansa

by Radyo La Verdad | January 19, 2017 (Thursday) | 914

GRACE_MAY-ARI
Isang incumbent Barangay Captain ang may-ari ng Gream Funeral Homes, ang punerarya sa Caloocan na umano’y pinagdalahan sa bangkay ng Korean Businessman na si Jee Ick Joo.

Ayon kay Caloocan Mayor Oscar Malapitan, nasa ikalawang termino na ito bilang punong barangay sa Brgy 165.

Isa umanong dating pulis sa Caloocan si Santiago na nadestino sa Northern Police Dictrict.

Base umano sa kwento ng mga dating pulis na nakasama nito sa trabaho, matagal nang magkakilala sina SPO3 Ricky Sta. Isabel at Santiago.

Kinumpirma rin ng alkalde na nakaalis na ng bansa si Santiago noon pang January 8.

Buwan aniya ng disyemnre nang magfile ito ng leave upang bisitahin umano ang kanyang mga kaanak sa Canada hanggang February 8.

Sinabi ni Mayor Malapitan na kasalukuyan ay hindi pa sila nagsasagawa ng anumang imbestigasyon dahil wala pang pormal na kasong nakasampa laban kay Santiago.

Sa kabila nito, tiniyak naman niyang handa silang makipagtulungan sa imbestigasyon ng Philippine National Police sa insidente.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,