Brexit team na magbabalangkas sa pagkalas sa EU, binuo ng UK

by Radyo La Verdad | June 29, 2016 (Wednesday) | 911
Photo Courtesy: Reuters
Photo Courtesy: Reuters

Inanunsyo ni outgoing Prime Minister David Cameron ang pagbuo ng bagong government unit na magbabalangkas sa pagkalas ng United Kingdom sa European Union.

Nais ni Cameron na ayusin kaagad ang pagkalas sa EU matapos ang Brexit vote, upang hindi na tumagal ang mga agam-agam lalo ng investors.

Ayon kay Cameron, nais niyang mapanatili ang matatag na economic link ng UK sa iba pang European countries.

Ito’y sa kabila ng pag-downgrade ng mga credit rating agency sa Gran Britanya.

Mula sa dating AAA, ibinaba ng standard and poors sa AA ang credit rating ng United Kingdom habang ang fitch, mula sa AA+, ibinaba sa aa ang rating ng Gran Britanya.

(UNTV RADIO)

Tags: ,