Brazil, paiigtingin ang pakikipagkalakalan sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | September 7, 2017 (Thursday) | 4599

Nakatakdang magtungo sa Brazil sa Sept. 14 ang mga eksperto ng National Meat Inspection Service ng Department of Agriculture. Kaugnay ito sa pagkakaroon ng salmonela bacteria ng limang daang kilo ng karne ng baka at manok na nadiskubre noong buwan ng Hulyo. Limampu’t limang planta sa mga Estado ng Sao Paulo, Minas Gerais at Goias sa Brazil ang naapektuhan ng total meat ban ng DA.

Umaasa si Brazilian Ambassador to the Philippines Rodrigo Amaral na magkakaroon na ng resulta sa katapusan ng buwan ang plant inspection ng DA

Ayon pa kay Ambassador Amaral, nais lagpasan ng Brazil ang naitala nitong isang bilyong dolyar na halaga ng pakikipagkalakalan sa Pilipinas noong 2014.

Ang katunayan aniya, plantsado na ang pagbili ng Philippine Airforce ng anim na Close-Air support aircraft sa embraer ng Brazil na nagkakahalaga ng 100 million dollars. Ayon naman sa DFA Office of American Affairs, hindi lang sa kalakalan maaasahan ang Brazil.

Samantala, ipinagdiriwang ngayong araw ng bansang Brazil ang kanilang ika-isandaan at siyamnapu’t limang araw ng kasarinlan o National Day. Pagkakataon daw ito upang magsama-sama ang mga pamilyang Brasiliero at ang kanilang mga kaibigan.

 

(Jun Soriao / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,