Brazil nag-launch ng test kit para sa mga mosquito-borne viruses

by Radyo La Verdad | January 20, 2016 (Wednesday) | 1378
test kit sa mga mosquito-borne viruses sa Brazil(REUTERS)
test kit sa mga mosquito-borne viruses sa Brazil(REUTERS)

Ginagamit na ngayon sa mga klinika sa Sao Paulo ang ini-launch na quick test kit para sa tatlong klase ng mosquito-borne virus.

Ayon sa mga health official kayang magbigay ng resulta ng test kit sa loob ng dalawampung minuto para sa dengue, zika at chikungunya mula sa isang patak ng dugo ng pasyente.

Sinabi din ng health ministry na ang quick test kit ay magiging available sa buong Brazil sa susunod na buwan.

Makakatulong din ang test kit para malaman ang mga high-risk areas at maiwasan ang transmission sa lugar.

Nitong Nobyembre kinumpirma ng health ministry ng Brazil na ang Zika Virus ay may kinalaman sa isang uri ng fetal brain damage pagkatapos tumaas ang bilang ng mga sanggol na ipinanganak na may Microcephaly o maliit na utak sa isang bahagi ng bansa.

Tags: , ,