Inaasahan na magiging masigla at maunlad ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon dahil sa paglago ng Business Process Outsourcing o BPO sa bansa.
Sa isinagawang roundtable breakfast kahapon nina Philippine Ambassador to Singapore Antonio A. Morales at mga kinatawan ng business sector ng Pilipinas at Singapore, sinabi ni Morales na nasa sampung porsyento ang itinaas ng annual growth rate ng BPO industry sa Pilipinas.
Ito na aniya ang nangungunang pinanggagalingan ng private employment sa bansa at pumapangalawa sa ofw remittances sa pinakamalaking source ng dolyar na pumapasok sa bansa.
Inaasahan din aniyang makapagbibigay ng nasa one-point three million na trabaho ang BPO industry at mas lalago pa sa mga susunod na taon.
(UNTV RADIO)
Tags: Business Process Outsourcing, Philippine Ambassador to Singapore Antonio A. Morales