Botohan ng House AD HOC Committee sa Proposed Bangsamoro Basic Law, nagpapatuloy

by Radyo La Verdad | June 4, 2015 (Thursday) | 2964

BBL_CHAIRMAN_051915
Nagpapatuloy pa rin ang botohan na isinasagawa ng House AD HOC Committee on the Proposed Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay AD HOC Committee Chairman Rufus Rodriguez nagkaroon ng 125 changes sa bagong draft bill.

Nagkaroon din ng Major changes sa ilang amendment na una nilang ginawa.

Sa unang amended version ng draft BBL, inerekominda ng kumite na burahin ang 8 unconstitutional provision gaya ng pagbuo sa bangsamoro ng sariling COA, Comelec, Ombudsman, Civil Service Commission, Human Rights Commission, Bangsamoro Police Power, Armed Forces Coordination Protocol at 10% Opt in provision.

Subalit sa Chairman’s and Vice Chairman’s Draft bill 4 na lamang ang inirekumindang burahin ito ay ang:

1. Article -8 ang pagkakaroon ng wali
2. Armed forces coordination protocol
3. Bangsamoro Ombudsman
4. Banking

Dito pinapayagan na ang pagkakaroon ng Coa, Comelec, Civil Service Commission at Human Rights subalit dapat ay nasa ilalim ito ng pamamahala ng National Government.

Ang 10% opt in provision naman na una nang nais alisin ay pinapayagan na subalit nagkaroon ng bahagyang enhancement.

Nilinaw ni Congressman Rodriguez na sila mismo ang nag-request ng meeting kay Pangulong Aquino upang kunin ang kanilang rekomendasyon bago pagbotohan ang BBL.

Binigyang diin nito na ang mga pagbabagong ginawa ay bilang enhancement lamang at hindi idinikta ng kahit na sino. ( Grace Casin / UNTV News)

Tags: ,