Ipinahayag ni AD HOC Committee Chairman Rufus Rodriguez na napagkasunduan ng Komite na ipagpaliban sa darating na Lunes, May 18 ang botohan na nakatakda sana kahapon sa mga inamyendahang articles ng panukalang BBL.
Ayon sa kongresista nais ng mga miyembro na i-consolidate muna ang mga individual amendments na isinagawa nitong Lunes at mabigyan ng kopya ang lahat ng mga miyembro ng komite upang mapag-aralan bago magbotohan.
Nauna ng nagsumite ang 20-kongresista ng kanilang major and minor individual amendments.
Kinumpirma ni Rodriguez na ang mga amendment na ito ay malapit sa bersyon ng Malakanyang. (Grace Casin /UNTV News)
Tags: AD HOC Committee Chairman Rufus Rodriguez, BBL, BBL. Bangsamoro Basic Law
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com