Boracay, Cebu at Palawan nanguna sa 2017 Best Islands ng Condé Nast Traveler’s Readers Choice

by Radyo La Verdad | October 20, 2017 (Friday) | 1994

Tatlong isla ng Pilipinas ang nanguna sa tatlumpung nakapasok sa 2017 Best Islands in the World batay sa isinagawang survey ng International Travel Magazine na Condé Nast.

Nakuha ng Boracay ang number one spot, pangalawa ang Cebu and Visayan Islands at pangatlo naman ang Palawan.

Ayon sa nasa tatlong daang libong reader ng magazine na bumoto, katangi-tangi ang maputing buhangin sa Boracay at ang mga umuusbong na restaurant at malls sa Cebu.

Habang ang underground river naman na kasama sa Seven Wonders of the World ang hinangaan ng mga ito sa Palawan.

Noong 2016, ang Boracay din ang nanguna sa top 20 Worlds Best Island ng Condé Nast, Palawan ang ikalawa at ikalima naman ang Cebu.

Kasama rin sa top 10 ang mga isla ng Mallorca Spain, Mykonos Greece, Bermuda sa British Island Territory, St. Barts, Turks and Caicos, Bali, Indonesia at ang Cayman Islands.

 

 

 

Tags: , ,