Bomb drill, muling isasagawa sa ilang pampublikong pamilihan at bus terminal sa Davao

by Erika Endraca | March 25, 2021 (Thursday) | 3892

Muling magsasagawa ng bomb drill ang lokal na pamahalaan ng Davao City sa mga piling pampublikong pamilihan at bus terminal sa Biyernes, March 26.

Alinsunod ito sa culture of security campaign na “May Nakita? Dapat Magsalita!” kung saan hinihikayat ang mga Dabawenyo na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagsugpo sa terorismo.

Sa isang panayam, nabanggit ni Task Force Davao Commander Coronel Consolito Yecla na ang naturang pagsasanay ay naglalayon ding masubok ang kakayahan ng security cluster ng lungsod laban sa mga terorista.

“We remind everyone not to panic during the exercise, instead, focus on the environment and observe ano yung napansin nilang suspicious, makinig sa radio stations and media stations para mabilis ma-intercept ang perpetrators.” dagdag pa ni Task Force Davao Commander Coronel Consolito Yecla.

Samantala pinaalalahanan naman ang publiko na agad na ireport ang mga kahina-hinalang tao o aktibidad sa mga sumusunod na numero:

•TFD Smart: 0999 227 1111
•TFD Globe: 0917 131 4333
•DCPO Globe: 0916 659 2576
•911

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: ,