Bomb cyclone, naranasan sa East Coast ng Estados Unidos

by Radyo La Verdad | January 5, 2018 (Friday) | 1954

Nagsimula na kaninang umaga  sa US Northeast ang tinatawag na bomb cyclone, kung saan nakataas ang blizzard warning kanina mula Virginia hanggang sa estado ng main.

Ayon sa US Weather Services, ang bomb cyclone ay isang winter storm na mayroong high pressure na mabilis na bumababa at mas lalo pa itong pinalakas nang masalubong ang northern cold snap.

Kahapon ay naranasan ito sa Southeastern States ng bansa mula sa Northern Florida hanggang North Carolina.

Nagdulot ito ng pagbaha sa ilang coastal area, nagyelo ang mga kalsada na naging sanhi ng ilang aksidente at isinarado na rin ang daan-daang mga paaralan.

Mayroon paring halos 20,000 na residente sa mga Southern states na walang kuryente at pinangangambahang mas marami pa ang mawawalan ng kuryente dito naman sa norte mula Washington DC hanggang main.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 3000 flights ang na kansela sa mga airports ng Philadelphia, Washington DC habang modified na ang byahe ng mga tren gaya ng Amtrak.

Ayon pa rin sa US Weather Services, nakataas ang blizzard warning hanggang 1am sa North Eastern states at aabot ng hanggamg 50mph ang hangin na may kasamang snow.

 

( James Bontuyan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,