Boluntaryong pagsusuot ng face mask sa loob ng klasrum, pinayagan ng DepEd

by Radyo La Verdad | November 2, 2022 (Wednesday) | 12952

METRO MANILA – Susunod din ang Department of Education (DepEd) sa Executive Order No. 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan papayagan na ang optional na pagsusuot ng mask sa indoor at outdoor settings.

Ayon sa DepEd, agad na ipatutupad ang optional masking sa mga klasrum. Ngunit, ayon sa ahensya, may mga exemptions naman ito lalo na sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Nasa otoridad na aniya ng mga regional director kung ipatutupad nila ang optional masking o hindi.

Samantala, hindi naman sinuportahan ng Kabataan Partylist ang nasabing desisyon ng DepEd.

Ayon sa grupo, hindi pa rin nawawala ang banta ng COVID-19 sa bansa kaya’t hindi dapat gawing optional ang pagsusuot ng mask.

Dagdag pa nito, mababa pa rin ang vaccination rate sa mga mag-aaral, at kulang din sa COVID-19 testing.

Paliwanag ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel, may mga klaseng nasusupinde dahil sa pagkalat ng COVID-19 sa mga eskwelahan.

Paano pa aniya kung gagawin na lamang optional ang pagsusuot ng mask ng mga mag-aaral sa full face-to-face classes.

(Aileen Cerrudo | UNTV News)

Tags: , , ,