BOC, tiwalang maaabot ang P467.9 billion na target revenue collection ngayong 2017

by Radyo La Verdad | January 3, 2017 (Tuesday) | 1317

aiko_boc
P467.9 billion pesos ang target ng Bureau of Customs na revenue collection ngayong taong 2017, mas mataas ng 17 porsiyento kumpara sa P409 billion taong 2016.

Ayon kay BOC Spokesperson Ret. Col. Neil Estrella, tiwala ang ahensya na maaabot ito ngayong taon lalo na’t may projection ang Development Budget Coordination Committee o DBCC na tataas ang Gross Domestic Product o GDP ng bansa ng 7 porsiyento para sa taong 2017. Kapag ito ay tumaas tataaas din ang revenue collection sa bansa dahil ito ang kanilang batayan sa target earning ng ahensya.

Dagdag ni Estrella, basehan din ito na umaangat ang ekonomiya ng Pilipinas.

Isa pa sa mga paraan na ginagawa ng BOC ang patuloy na pagsugpo sa korupsyon sa bansa upang matigil ang revenue losses ng pamahalaan na umaabot ng bilyong-bilyong piso kada taon.

Bahagi sa paraang ito ang pag-validate sa legal na importers, brokers at consignees na nakikiisa upang mag- akyat ng reveneue collection para sa pamahalaan.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: ,