BOC, pinag-iingat ang publiko sa parcel o love scam ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | December 15, 2023 (Friday) | 13988

METRO MANILA – Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) ang publiko laban sa parcel o love scam ngayong holiday season.

Pinapayuhan ng ahensya ang publiko na maging maingat sa mga tawag, mensahe o email na nagsasabing mayroong package o parcel na nakabinbin sa BOC na nanghihingi ng bayad para ito ay mailabas.

Dagdag ng ahensya, ang pagbabayad ng customs duties at taxes ay maaari lamang gawin sa BOC cashier o sa pamamagitan ng authorized agent banks.

Kung sakaling naging biktima ng scam, i-check sa website kung ang nasabing courier o forwarder ay accredited.

Maaari ding makipagugnayan sa BOC upang ma-verify kung ang resibo, tracking number at ibang dokumento na natanggap ay tunay o fake.

Tags: