Nagbabala ang Bureau of Customs laban sa “online love scammers” na nangangako ng gift packages, ito ay matapos makapagtala ang BOC ng 1,263 na kaso ng iba’t-ibang uri ng online scams mula January hanggang September ngayong taon.
692 sa mga ito ay nabiktima sa pamamagitan ng social media. Modus ng ilang kriminal ang manliligaw sa biktima at papangakuan ng mga regalo gaya ng signature bags.
Ngunit hihingi ito ng pera sa pamamagitan ng money transfer dahil naka-hold umano sa Customs ang package. Kapag nakuha na ang pera ay hindi na ito makokontak o makikipag-ugnayan pa sa biktima.
Paglilinaw ng BOC, wala silang hino-hold na mga package at hinihingan ng pera bago mai-release.
Sakaling may ganitong karanasan, maaring magsumbong sa BOC helpdesk 705-6000 o mag-message sa kanilang official facebook page na Bureau of Customs PH.
Tags: BOC, nagbabala, online love scam