BOC employees, aminadong pinanghihinaan ng kalooban dahil sa mga paratang ng korapsyon

by Radyo La Verdad | August 11, 2017 (Friday) | 1836

Naglabas na ng kanilang saloobin ang asosasyon ng mga empleyado ng Bureau of Customs.

Ayon sa National President ng  Bureau of Customs Employees’ Association o BOCEA na si Remy Princesa, hindi dapat husgahan ang lahat ng mga empleyado ng customs kung may ilan man sa kanila ang nagkamali  o nasasangkot sa anomalya. Nanatili rin umano ang kanilang suporta kay Commissioner Faledon.

Ayon kay Dr. Manuel Jacinto na 25 taon nang nagsisilbing medical officer sa BOC, nasaksihan niya ang mga pagbabago sa customs sa ilalim ng pamumuno ni Faeldon at hindi birong baguhin ang isang kawanihang matagal nang babad sa isyu ng korupsyon.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,