BOC chief Nicanor Faeldon, nakalabas na ng ospital matapos atakihin sa puso dahil sa stress ayon sa mga doktor

by Radyo La Verdad | August 10, 2017 (Thursday) | 4499

Noong lunes ng umaga, sasailalim lang sana si BOC chief Nicanor Faeldon sa simpleng tooth procedure nang makaramdam ito ng paninikip ng dibdib at mahirapan sa paghinga. Kaya naman agad na nagdesisyon ang mga doktor na i-confine ito ng ilang araw.

Samantala, nakalabas na kanina ng ospital si Faeldon ngunit pinayuhan ito ng doktor na magpahinga ng ilang araw bago muling sumabak sa pagdinig at mabibigat na trabaho. Pinuntahan din ng mga doktor at sgt-at-arms ng Kamara si Faeldon sa ospital sa Taytay Rizal upang malaman ang kondisyon nito.

Ito ay matapos na hindi makadalo si Faeldon sa dalawang magkasunod na pagdinig sa Kamara hinggil sa mahigit 600-kilo ng shabu na galing sa China na nakumpiska ng BOC sa Valenzuela City.

Ayon sa chief of staff ni Faeldon na si Atty Mandy Anderson, itatalaga muna si BOC Revenue Collection and Monitoring Group Chief Natalio Ecarma bilang officer in-charge ng BOC hanggang sa August 18.

 

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,