BOC at DFA nagkulang sa tungkulin, Canadian waste company may backer ayon sa isang senador

by Radyo La Verdad | July 20, 2015 (Monday) | 1045

SEN JV EJERCITO
Naniniwala si Senator JV Ejercito na malaki ang naging pagkukulang sa tungkulin ng Bureu of Customs at Department of Foreign Affairs kung kaya’t hindi na inspeksyong mabuti ang mga imported shipments mula Canada na naglalaman ng kanilang waste material.

Ayon kay Ejercito, mahirap paniwalaan na nadaya lamang ang Bureau of Customs ng Canadian waste company na Chronic Incorporation na ang 50 shipments ay naglalaman lamang ng mga recycling material.

Naniniwala ang senador na ang naturang kumpanya ay may “backer” sa loob kung kaya’t nangyari ang anomalyang ito.

Naniniwala rin ang senador na Hindi ito binalewala ng DFA ngunit merong namagitan sa Canada ukol sa kasong ito.

Nanindigan si Senator JV na masasagot ito sa isasagawa niyang imbestigasyon sa senado sa kaniyang inihaing resolusyon.

Aniya,Hindi niya pababayaan na ag Pilipinas ay ituring lamang na garbage bin ng ibang bansa.(Meryll Lopez/UNTV Rado Correspondent)