Board of Inquiry chief Benjamin Magalong, pinagpaliwanag ni Pangulong Aquino sa Malacañan

by monaliza | March 18, 2015 (Wednesday) | 1485

MAGALONG_031215

Pinagpaliwanag ni Pangulong Noynoy Aquino sa Malacañan ang Board of Inquiry (BOI) na nag-imbestiga sa naganap na engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao kung saan 44 na pulis na miyembro ng Special Action Force ang nasawi.

Kinumpirma ito ni Police Director Benjamin Magalong, pinuno ng BOI at hepe ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), na pinapunta sila kahapon ng Pangulo para linawin ang ilang impormasyon na nakapaloob sa report.

Batay sa ulat ng BOI, sinasabing nagbigay ng maling impormasyon si dating PNP Chief Alan Purisima kay Pangulong Aquino ukol sa Oplan Exodus.

Ipinaliwanag ni Magalong kay Pangulong Aquino na hindi nila binanggit sa report na binali nito ang chain of command at sinabi lamang na ginamit lamang ng Pangulo ang prerogative na magbigay ng utos kay sinibak na SAF director na si Getulio Napeñas.

Humingi rin ng paliwanag ang Pangulo kung bakit hindi kinuha ng BOI ang kanyang pahayag. Matatandaang nakasaad sa limitasyon ng report na hindi nila nakapanayam ang Pangulo para makuha ang panig nito.

Sagot ni Magalong, pinakiusapan nila si DILG Secretary Mar Roxas na sabihan ang Pangulo para kapanayamin pero bigo ang kalihim na sabihan si Pangulong Aquino