Bloodletting activity, isinagawa para sa mga sugatang tropa ng pamahalaan at residente sa Marawi City

by Radyo La Verdad | September 4, 2017 (Monday) | 3552

Maaga pa lang dagsa na ang mga tauhan ng Philippine Army at Philippine National Police sa Camp Aguinaldo noong Sabado upang makibahagi sa bloodletting activity na tinaguriang “Dugo para sa Kapayapaan”.

Kabilang dito sina Master Sergeant Ermelino at Probationary Second Liutenant Norlie na kapwa insipiradong magdonate ng kanilang dugo. Anila, sa pamamagitan ng maliit na kaparaanan, nais nilang suportahan ang kanilang mga kabaro na nagsasakripisyo upang maibalik ang kapayapaan sa Marawi City.

Sa higit isang libong nagparehistro, nasa 239 na bag ng dugo ang nakolekta mula sa bloodletting activity. Iba’t-ibang non-government organizations ang nagtulong-tulong upang mai-organisa ang naturang blood donation.

 

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,