Tutuluyan ng kasuhan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang blogger na si Drew Olivar.
Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde, sasampahan nila ng paglabag sa Republic Act 1727 o malicious dissemination of false information of any threat concerning bombs, explosives or any similar device.
Sinabi ni Gen. Albayalde, wala silang pinipili sa mga sasampahan ng kaso bastat lumabag sa batas.
Matatandaang nagpost si Drew Olivar sa kanyang facebook account kaugnay ng umano’y mga impormasyon na may sasabog sa bomba sa EDSA noong Biyernes, kasabay ng anibersaryo ng martial law.
Noong Sabado, hinarap sa NCRPO si Drew upang humingi ng pumanhin at sinabing binalaan lamang niya ang kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng nasabing post.
Ang pagpapakalat ng impormasyon kaugnay ng umano’y sasabog na bomba ay may kulong na hindi bababa ng limang taon at multa hindi bababa sa 40 libong piso.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: Drew Olivar, martial law., PNP