Blended learning, ipinatupad ng ilang public school sa NCR dahil sa init ng panahon

by Radyo La Verdad | May 5, 2023 (Friday) | 3943

METRO MANILA – Pansamantalang nagpapatupad ng blended learning ang ilang pampublikong paaralan sa Metro Manila upang maingatan ang mga mag-aaral sa patuloy na nararanasang mainit na panahon.

Sa Valenzuela City, hinati sa 2 mode of learning ang klase sa elementary at secondary level.

In-person classes ang isasagawa simula 6am-10:30am habang homebased learning naman pagpatak ng 10:30am to 2:30pm.

Sa mga afternoon session naman, homebased learning simula alas-12 hanggang alas-2:30 at face-to-face classes pagpatak ng ala-2 hanggang ala-7 ng gabi.

Sa Malabon City naman, pinapayagang magdesisyon ang mga punong guro na mag blended learning o 2 days in person at 3 days distance learning kapag ang heat index ay nasa extreme caution.

Full distance learning naman kapag nakapailalim sa danger o extreme danger ang heat index.

Ilan pang paaralan sa Metro Manila ang nagpatupad naman ng shortened class hours at hindi na pinaaabot ng ala1 hanggang alas-2 ang mga mag-aaral sa paaralan.

Bukod sa Metro Manila, ilan ding paaralan sa iba’t ibang rehiyon ang nagsagawa na ng blended learning upang masiguro ang kalusugan ng mga mag-aaral laban sa init ng temperatura ngayon.

Tags: ,