Black market jewelry operator sa Quezon City, sinampahan ng P5-billion tax case ng BIR

by Radyo La Verdad | May 20, 2016 (Friday) | 1764

alahas
Nahaharap sa kasong tax evasion ang isang black market operator sa Quezon City na nagbebenta ng mamahalin at imported na alahas.

Kinilala ni BIR Commissioner Kim Henares ang mag alalahas na si Erlinda Asedillo na siya umanong nagpapatakbo ng isang black market ng mga alahas sa Varsity Hills Subdivision, Loyola Heights, Quezon City.

Isang impormante umano ang nagpaabot ng impormasyon na nagbebenta ng alahas si Asedillo nang walang kaukulang permit at resibo mula sa BIR.

lumabas sa imbestigasyon na nakarehistro lamang bilang isang empleyado si Asedillo at wala itong idineklarang negosyo at hindi rin naghain ng anomang tax returns sa loob ng labinlimang taon mula 2000 hanggang 2015.

Nakumpiska ng BIR mula kay aAsedillo ang mga hindi rehistradong resibo na nagpapatunay na nagbebenta nga ito ng alahas sa black market.

Batay sa ginawang assessment ng BIR, mahigit 5-point-3 billion pesos ang buwis na dapat bayaran ni Asedillo kasama na ang multa at interes.

Samantala, wala naming habilin si Henares sa magiging kapalit niya sa BIR sa patungkol sa mga kasong isinampa nila laban sa mga tax evader.

Alam naman aniya ng susunod na kaniya ang obligasyon nito bilang bagong pinuno ng ahensiya.

(Roderic Mendoza/UNTV NEWS)

Tags: , ,