Iimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government o DILG kung nagkaroon ng kapabayaan sa seguridad na ipinatupad sa North Cotabato District Jail bago ang nangyaring pag- atake noong Miyerkules ng madaling araw.
Ayon kay DILG Secretary Ismael Sueno, aalamin nila kung bakit hindi nakapagdagdag ng mga jail warden gayong mayroon nang banta ng pag-atake na natatanggap ang mga ito.
Samantala, naniniwala naman ang kalihim sa ulat sa kaniya ng Moro Islamic Liberation Front na walang kasapi nila ang sangkot sa naturang pag-atake.
Ito ay matapos lumabas ang ulat na mula sa tropa ng MILF ang mga armadong grupong sumugod at nagpaputok sa bilangguan na dahilan nang pagtakas ng mahigit isang daang bilanggo.
Tags: BJMP sa North Cotabato District Jail, iimbestigahan ng DILG kung nagkaroon ng kapabayaan sa seguridad