METRO MANILA – Magdaragdag ang Light Rail Manila Corportation ng mga bibiyaheng tren sa linya ng LRT-1, simula sa darating na October 1.
Itoý upang maserbisyuhan ang dumaraming bilang ng mga pasahero lalo na ngayong ber months.
Gayundin ang pagdami ng mga estudyante na balik face-to-face classes na sa iba’t ibang mga eskwelahan at unibersidad.
Kaugnay nito magkakaroon ng adjustment sa oras ng biyahe ng mga tren para sa tuloy-tuloy na maintenance at upgrade program sa operasyon ng LRT 1.
Simula October 1, magsisimula ang unang biyahe ng mga tren sa Baclaran at Fernando Poe Junior stations ng ala-5 ng umaga tuwing weekend at kapag holiday.
Habang bibiyahe ang huling tren sa Baclaran station ng 9:30pm, at 9:45pm naman sa Fernando Poe Jr. station.
Wala namang magiging pagbabago sa oras ng biyahe ng LRT-1 tuwing weekdays o mula sa mga araw ng Lunes hanggang Biyernes.
Sa pamamagitan ng bagong adjustment, inaasahang tataas ng 10% ang weekday operations ng LRT-1, at 20% naman na increase tuwing weekend.
Tags: LRT-1