Biyahe ng mga eroplano at bus pa-lalawigan, halos fully-booked na

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 1748

IMAGE_UNTV-News_FEB032015_Photoville-International_RYAN-MENDOZA_NAIA

Sa mga planong mag-bakasyon sa long holiday, halos fully-booked na ang biyahe ng mga eroplano at bus papunta sa mga probinsya at kilalang tourist destinations sa bansa.

Sa ulat ng Manila International Airport Authority, umaabot na sa 100,000 passengers ang dumarating kada araw sa apat na terminal sa NAIA at inaasahang tataas pa ito ng hanggang 15% sa mga susunod na araw.

Sa mga terminal naman ng bus, libo-libo na rin ang nagpa-reserve ng tickets pero tiniyak ng bus companies na kaya naman nilang i-accommodate ang mga hahabol pa dahil may special permit ang iba nilang unit.

Payo naman ng airport authorities sa mga pasahero na maglaan ng 4-5 hours na allowance sa travel time upang huwag maipit sa mabigat na traffic lalo’t maraming kalsada ang ginagawa sa paligid ng paliparan.

Hangga’t maaari ay kaunti lang din ang dalhing bagahe upang huwag maabala sa inspeksyon at check-in.

Tags: