Puspusan ngayon ang sandbagging ng mga residente ng Barangay Cutcut Tarlac City, local government units,city at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at mga volunteer sa Aquino Boulevard, dahil sa unti-unting lumalaking bitak ng dike sa Romulo section.
Ang nasabing dike ang pumoprotekta sa Tarlac City mula sa Tarlac river.
Lumaki ang bitak dahil sa ilang araw na malakas na pagbuhos ng ulan sa mga nakalipas na araw.
Bukod sa Romulo section nagsasagawa parin ng sandbagging sa Barangay San Luis at Villa Soliman.
Nasa 26,000 sako at 8 truck load na ang naipamigay sa ibat ibang bayan na nagsasagawa ng sand baging
Samantala pinasok narin ng tubig ang Barangay San Rafael, Tarlac City.
Sa ngayon ay may 35 pamilya na ang lumikas sa mga evacuation center sa bayan ng Camiling at Paniqui.
Samantala, patay ang isang 9yrs. old na bata ang nalunod kahapon sa Barangay Caramutan Lapaz Tarlac, ang biktima ay kinilalang si Kelly Maire Cuaresma 9 na taong gulang at residente ng Barangay Lara.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: Bitak sa isang dike sa Tarlac City, unti-unti ng lumalaki