BIR, nagpaalala sa publiko na maagang isumite ang kanilang 2015 Income Tax Returns

by Radyo La Verdad | January 4, 2016 (Monday) | 1739

IMAGE_UNTV-news_05232014_BIR-FACADE

Nanawagan ang Bureau of Internal Revenue sa publiko na maagang isumite ang kanilang 2015 Income Tax Returns.

Ito ay upang maiwasan ang nangyari noong nakaraang taon kung saan nagkaroon ng problema ang ahensya sa kanilang computer system dahil sa dami ng sabay-sabay na nagfile ng kanilang mga ITR.

Ayon sa BIR hindi na kailangang hintayin ng mga individual at corporate tax payer and pagsapit ng deadline sa April 15.

Ngayon pa lang ay maaari nang magsumite ng mga annual ITR at iba pang kinakailangang dokumento.

Paalala naman ng BIR sa mga taxpayer na tiyaking ang pinakabagong e-BIR-forms at electronic filing and payment system ang kanilang gagamitin.

Para sa mga katanungan maaring bisitahin ang website ng ahensya na www.bir.gov.ph o tumawag sa kanilang hotline na 981-888.

Tags: , , , ,