BIR nagpaalala sa deadline ng Annual Income Tax Return ngayong araw

by Radyo La Verdad | April 15, 2024 (Monday) | 6135

METRO MANILA – Ngayon ang huling araw ng filing at pagbabayad ng annual Income Tax Return (ITR) ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang mga hindi aabot sa deadline ngayong araw (April 15) ay magkaroon ng penalty ayon sa BIR at ito ay ang surcharge, interest at compromise.

Ang surcharge ay 25% na ipapataw sa tax due ng ITRs kasunod ay ang interest na 12%  per annum o 1% kada buwan na idadagdag.

Lalong tataas ang interest rate na babayaran kung hindi agad masettle ang ITRs sa pinaka maagang araw matapos ang deadline.

Inaasahan naman ng BIR na makalikom ng mahigit P400-B ngayong buwan at binigyang diin na ang ITR filing ay hindi na ieextend matapos ang araw na ito, April 15.

Nauna nang sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ang tax campaign ng ahensya ay nagsimula noong Pebrero pa.

Kaya inaasahang sapat na panahon ang mga nagbabayad ng buwis para maihanda ang mga kailangan at masettle na ang kanilang ITR.

Sa mga hahabol ngayong araw (April 15), maaaring hindi pumila nang mahaba at bumyahe pa dahil ang pagfa-file ay pwede nang gawin online sa pamamagitan ng E-BIR forms sa website ng BIR.

Antayin lang ang confirmation at considered as filed na rin ito ayon sa ahensya. Maging ang pagbayad ay maaari na rin sa mga online paying platforms.

Tags: ,