METRO MANILA – Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue na nadagdagan pa ang mga gamot na hindi na papatawan ng Value Added Tax (VAT) exemption.
Kabilang sa mga naturang gamot ay ang para sa cancer, hypertension, kidney disease at diabetes.
Nasa 59 na iba’t-ibang klase ng gamot ang nadagdag sa listahan ng hindi bubuwisan.
Ang naturang hakbang ay alinsunod sa ipinasang “updated” list ng Food and Drug Administration (FDA).