Biometrics at paglalagay ng litrato para sa mga botante, hiniling sa Nueva Ecija

by Radyo La Verdad | May 14, 2018 (Monday) | 5576

Pasado alas syete ng umaga kanina nang bumoto sa Sta. Rosa Central School sa bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija si Governor Czarina Cherry Umali at ang asawa nito na si Ex Governor Attorney Oyie Matias Umali bagamat kapansin pansin na walang express lane para sa mga matatanda at para sa may mga kapansanan, prayoridad naman silang paunahin ng mga board of election inspector upang huwag silang mahirapang pumila ng mahaba at matagal.

Hindi naman naging mahirap para sa mga botante na hanapin ang kanilang mga pangalan sa listahan dahil Sabado pa lamang ay ibinigay na sa kanila ng kapitan ng kani kanilang barangay ang mga numero ng presento na dapat nilang pasukin at botohan.

Subalit ayon sa mag-asawang Umali, napansin nila na wala ang litrato ng mga botante na dapat ay nakalakip sa mga pangalan ng mga botante.

Ayon pa sa mag-asawang Umali, ay may biometrics upang ang pagcheck ng mga botante ay may sistema.

Bagamat naging maayos naman ang isinagawang turn out ng botohan sa tatlong barangay sa nasabing eskwelahan, umaasa naman ang gobernadora na magiging mapayapa ang isasagawang halalan ng barangay at SK sa buong probinsya ngayong maghapon.

 

( Danny Munar / UNTV Correspondent )

Tags: , ,