Binuong COMELEC Committee, may 15 araw upang tapusin ang imbestigasyon sa script alteration issue

by Radyo La Verdad | May 25, 2016 (Wednesday) | 1159

COMELEC
Binigyan ng labinlimang araw ng COMELEC En banc ang binuong komite para tapusin ang imbestigasyon sa script alteration ng Smartmatic sa transparency server.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, aalaminsa imbestigasyon kung ang insidente ay may epekto sa kontrata sa Smartmatic at kung ano ang pananagutan ng empleyado naman ng COMELEC.

Bago mabuksan ang programang transparency server para makapagsagawa ng correction ay kailangan muna ng smartmatic ang password ng isang tauhan ng COMELEC.

Ipinagkibit balikat naman ng opisyal ng COMELEC ang isinampang reklamo ng kampo ni Vice Presidential Candidate Ferdinand Marcos Jr. sa Manila Prosecutors Office laban sa Smartmatic kaugnay sa script alteration controversy.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,