Biniling palay ng NFA sa mga lokal na magsasaka, umabot na sa 1 milyong sako

by Radyo La Verdad | April 4, 2019 (Thursday) | 5218

METRO MANILA, Philippines – Tumaas ng 5,120% ang dami ng biniling palay ng National Food Authority (NFA) sa mga lokal na magsasaka.

Ayon sa NFA, mula Enero hanggang Marso ay umabot na sa 1.052 million na sako ng palay ang nabili ng NFA sa local farmers kumpara sa 20,540 bags lamang noong 2018 sa parehong panahon.

Ayon kay NFA OIC Administrator Tomas Escarez, bumaba sa 14 pesos ang bili ng mga trader sa kada kilo ng palay habang ang NFA naman ay umaabot sa 20.17 pesos kada kilo kasama na ang tatlong pisong insentibo.

Naghahanda pa ang NFA para makapamili ng karagdagang palay ngayong tag-init.

Dinoble ng NFA ang target na bibilhing palay mula sa 7.78 million bags noong nakaraang taon sa 14.46 million bags ngayong 2019.

Pinaigting ng NFA ang pamimili ng palay sa mga lokal na magsasaka kaugnay sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law kung saan hindi na pinapayagang umangkat ng bigas ang NFA.

Tags: , ,