Bill na magbibigay honoraria at CSC eligibility sa mga SK kagawad, pasok sa second reading

by Radyo La Verdad | January 27, 2022 (Thursday) | 886

METRO MANILA – Pasok na sa second reading approval sa House of Representatives ang Bill na naglalayong magbigay ng honoraria at certificate na civil service eligibility sa mga Sangguniang Kabataan (SK) kagawad sa plenary session nitong Martes (January 25).

Palalawakin din ng reporma ang tungkulin ng mga SK tulad ng mga skills training, youth employment, environmental protection, values education, at iba’t iba pang mga programa patungkol sa mga nakakaapekto sa kabataan.

Parte rin ng reporma na ang isang SK treasurer ay dapat may karanasan sa pananalapi o pagtutuos at hinihingi rin ng bill na ang mga LGU ay maglagay ng local youth development officer na makikipag-ugnayan sa SK efforts.

Samantala, inaprubahan na ng Senado ang sarili nitong bersyon ng bill.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)