Malugod na tinanggap ni Italian President Sergio Matterella si Pangulong Benigno Aquino III sa kanilang pagkikita sa quirinal palace ang official residence ng Italian President kahapon
Sa kanilang isa’t kalahating oras na pagpupulong, pinag-tibay ng dalawang pinuno ang kasunduan na palawakin ang bilateral relations partikular na sa larangan ng trade and investment, labor, economic, agriculture at security cooperation.
Nagpasalamat din si Pangulong Aquino sa Italian Government sa maayos nitong pagtrato sa mga Pilipino na naninirahan at nagta-trabaho doon.
Bukod naman sa layuning makapag-export ng mga produkto sa European Union Markets, nais rin makuha ng Pilipinas ang suporta nito sa mga ginagawang hakbang upang mapayapang maresolba ang West Philippine sea dispute. (Edith Artates/UNTV News)
Tags: Bilateral relations, Italian President Sergio Matterella, Pangulong Aquino