Bilateral labor agreements at trade in services ng Ph at Russia, kabilang sa isusulong ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | December 8, 2016 (Thursday) | 820

YASAY
Kabilang sa pangunahing isusulong ng pamahalaan sa pagpunta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia ay ang pagkakaroon ng labor and trade agreement sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nasa limang libong Pilipino ang kasalukuyang nasa Russia.

Karamihan sa mga ito ay nakatira at nagtatrabaho sa Moscow at St. Petersburg.

At dahil sa kawalan ng labor and trade relations sa pagitan ng Pilipinas at Russia, hirap ang mga ito na makakuha ng mga benepisyo.

Tiniyak naman ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Junior na agad na pag-aaralan ng pamahalaan ang mga posibleng maging kasunduan ng dalawang bansa pagdating sa proteksyon ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa Russia.

Tags: ,