Kinumpirma na ni Government Peace Panel Chairman at Labor Secretary Silvestre Bello The Third na nakausap na nila ni Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza si Pangulong Rodrigo Duterte.
Nilinaw ng kalihim na hindi kondisyon para sa isasagawang peace talks ang ibinigay ng pangulo kundi guidelines na susundin nila sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.
Kabilang na rito ang pagsusulong ng bilateral ceasefire agreement at ang kontrobersyal na isyu kaugnay sa revolutionary tax.
Bukod rito inaasahang tatapusin na din sa ika-apat na rounds ng peace talks ang pagtalakay sa CASER o ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms.
Ayon sa kalihim, desidido sila na mabigyan ng solusyon ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng away upang makamit ang matagal nang inaasam na pangmatagalang kapayapaan.
Ang fourth round ng formal peace talks ay nakatakda sa April 2 hanggang 6 sa Noordwijk, The Netherlands.
Tags: 4th round, Bilateral ceasefire, peace talks, revolutionary tax