Bilang ng Volcanic Earthquakes sa bulkang Taal, tumaas; alert level 4 nakataas pa rin

by Erika Endraca | January 20, 2020 (Monday) | 3709

METRO MANILA – Umabot na sa 787 na mga lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Sabado (Jan. 18) ng maghapon.

Mahigit doble ang dami nito kumpara sa mga volcanic earthquake na naitala simula ng sumabog ang bulkang Taal.

Mag-aalas-9 naman Kagabi (Jan.19) naramdaman ang pinakamalakas na volcanic earthquake na magnitude 4.2 sa Mabini Batangas. Halos 200 naman sa mga lindol na ito ang nasa magnitude 1.2 hanggang 4.1.

Samantala, nitong nakaraang Sabado at Linggo (Jan. 18- 19). Nakapagtala pa rin ang PHIVOLCS ng white at dirty white na mga abo na lumalabas sa crater o bunganga ng bulkan na may taas na 1-Kilometro.

Nagbubuga pa rin ng sulfur dioxide ang bulkan na umaabot sa 1,442 Tons kada araw.

Kaya naman nananatili sa alert level 4 ang bulkang Taal kung saan pinangangambahan pa rin ang mapanganib na pagsabog nito anomang oras o araw.

Kaya ganun nalang ang paalala ng ahensya sa mga residente na huwag nang magpumilit na bumalik sa kanilang mga bahay na pasok sa 14-kilometer raduis.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,