Umakyat sa 60.5% ang bilang ng mga naitalang sunog sa Davao City ngayong unang quarter ng 2016 kumpara sa parehong panahon sa nakaraang taon.
Ayon kay Bureau of Fire Protection Fire Inspector Nestor Jimenez, isa sa mga dahilan nito ay ang umiiral na El Nino.
Dagdag pa nito, umabot sa 85 insidente o halos 325% ang itinaas ng mga kaso ng grass fire ngayong taon kumpara sa 20 kaso noong 2015.
Samantala mariin ang paniniwala ng Bureau of Fire Protection na intentional o isang kaso ng arson ang nangyaring sunog sa haran o tahanan ng mga Lumad, ito ay base na rin sa mga nakalap nilang ebidensya.
Patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon at hinihintay pa nila ang progress report ng mga naatasang mag imbestiga.
(Joeie Domingo/UNTV NEWS)
Tags: Davao City, sunog