Bilang ng pulis na nasangkot sa ipinagbabawal na gamot, inilabas na ng Philippine National Police

by Radyo La Verdad | June 3, 2016 (Friday) | 9079

PNP
Inilabas na ng Philippine National Police ang listahan ng mga pulis na kinasuhan ng administratibo dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasunod ito ng pahayag ni incoming PNP Chief Superintendent Ronald Dela Rosa sa press conference nito kahapon na 1,600 o 1% ng isang daan at anim na pung libong pulis ang adik o sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Base sa tala ng PNP noong 2014, mayroong dalawampu’t tatlong personnel na sangkot sa ipinagbabawal na gamot subalit tumaas ito sa anim na pu’t walo noong 2015.

Noong 2015 pinakamataas naman sa ranggong nahuli at nakasuhan ay may ranggong Police Chief Inspector habang pinakamarami ay police officer one na umabot sa tatlumpu’t anim.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: ,