Bilang ng pulis na itatalaga sa mga lugar na matutukoy na areas of concern o election hotspots, dadagdagan

by Radyo La Verdad | December 9, 2015 (Wednesday) | 1328

WILBEN-MAYOR
Naglabas na ang Philippine National Police ng listahan ng mga lalawigan na kasama sa election hotspot.

Ito’y ay kinabibilangan ng Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Samar, Maguindanao at Lanao del Sur.

Base sa assessment ng PNP nasa 17.5 % din ng kabuuang bilang ng mga lalawigan sa buong bansa ang nasa ilalim ng PNP election watchlist.

Habang nasa 76 Private Armed Groups o PAGS nationwide ang natukoy na at ang 69 dito ay nasa Mindanao.

Tiniyak naman ng pambansang pulisya na magtatalaga ito ng dagdag na mga tauhan upang magbantay.

Ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, ngayon pa lang tinututukan na ng mga tauhan ng PNP at AFP ang mga lalawigang kabilang sa election hotspot upang maiwasan ang anomang uri ng krimen na may kinalaman sa halalan.

Nakikipag-usap na rin ang PNP, AFP at Comelec sa mga kandidato sa mga lugar na mahigpit ang labanan sa pulitika.

Sinabi pa ng heneral na pansamantala din nilang ililipat ng assignment ang mga opisyal ng PNP na may kamag-anak na kandidato sa isang partikular na lugar.

Sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy pa rin aniya ang assessment na ginagawa ng PNP upang matukoy kung may iba pang lugar na mahigpit ang political rivalry. (Lea Ylagan/UNTV News)

Tags: ,