Bilang ng probinsya na itinuturing na election hotspots, bumaba ayon sa PNP

by Radyo La Verdad | December 7, 2015 (Monday) | 1451

LEA_MARQUEZ
Nabawasan ang bilang ng mga probinsyang itinuturing na election hotspots o areas of concern ng philippine national police.

Ayon kay PNP Chief Director Gen. Ricardo Marquez, anim hanggang pitong probinsiya ang natukoy ng directorate for intelligence bilang areas of immediate concern.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 15 election hotspots noong 2013.

Subalit tumanggi pa ang heneral na tukuyin kung ano anong probinsiya ito habang patuloy pa silang nagsasagawa ng assessment hinggil sa matinding political rivalry sa lugar.

Karaniwan aniyang itinuturing na hotspot ang isang probinsiya kung mainit ang tunggalian ng mga politiko o mahigpit ang labanan na posibleng humantong sa karahasan, kung may presensya ng Private Armed Group o PAGs at rebeldeng grupo.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)

Tags: , ,