Bilang ng pamilyang Pilipino na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap, bumaba sa 38% – SWS

by Erika Endraca | June 20, 2019 (Thursday) | 6126

MANILA, Philippines – Bumaba ang bilang ng pamilyang pilipino na itinuturing ang kanilang sarili bilang ‘mahirap’, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa kanilang 2019 first quarter survey, lumabas na 38% o 9.5 million na pamilyang pilipino ang nagsabi na sila ay ‘mahirap’.

Mas mababa ito ng 12 puntos kumpara sa limampung porsyento 50% o mahigit  11 milyong pamilyang pilipino noong Disyembre ng nakaraang taon.

Samantala, 27% naman o halos pitong milyong pamilyang pilipino ang nagsabing sila ay ‘food-poor’. Mas mababa rin ito ng pitong puntos mula sa 34% noong Disyembre ng nakaraang taon.

Pagdating naman sa poverty threshold, lumabas na P10,000 ang minimum na kinakailangang badyet ng isang tahanan upang hindi maituring na mahirap’. Isinagawa ang survey noong March 28 hanggang 31  sa 1,400 tao sa buong bansa.

Ikinatuwa naman ng Malacañang ang resulta ng  survey. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo patunay ito na patuloy na nagagawa ng Duterte administration na alisin ang mga hadlang sa pagsulong ng progreso sa bansa.

Target ng administrasyong Duterte na pababain ang antas ng kahirapan sa bansa mula 21.6% sa 14% sa 2022.

Tags: ,