Bilang ng overseas absentee voters, inaasahang aabot ng 1.9 milyon bago ang 2019 midterm elections

by Radyo La Verdad | July 26, 2018 (Thursday) | 3267

Sa ika-30 ng Setyembre 2018 ang huling araw ng pagpaparehistro ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa iba’t ibang bansa para makaboto sa darating na 2019 midterm elections.

Tiwala ang Department of Foreign Affairs-Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS) na bago matapos ang registration period ay aabot sa 1.9 milyon ang overseas voters.

As of May 2018, mahigit sa 1.6 milyon na ang overseas voters, nalagpasan nito ang mahigit sa 1.3 milyong absentee voters noong 2016 Presidential elections.

Sa Kuwait, inaanyayahan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na ayusin ang kanilang voters’ registration.

Tinatayang nasa 260,000 ang mga OFW sa Kuwait at mahigit 42,000 ang mga bagong rehistradong botante.

Nasa 49,000 lang ang bilang ng mga Pilipino sa Kuwait na bumoto noong 2016 Presidential elections.

Samantala, pinapayuhan din ang mga botanteng Pilipino sa Kuwait na hindi nakaboto ng nagdaang dalawang magkasunod na eleksyon na magpunta sa embahada ng Pilipinas upang i-activate ang kanilang mga rehistro.

 

( Sonny delos Reyes / UNTV Correspondent )

Tags: , ,