Umabot na sa sampu ang bilang ng mga pilipinong nasawi sa taunang Hajj sa Mecca Saudi Arabia
Ayon kay Philippine Consul General to Jeddah Imelda Panolong isang filipino pilgrim ang kabilang sa mga nasawi sa madugong stampede noong huwebes
Bukod sa dito, siyam pang pilipino pilgrims ang namatay dahil sa iba’t ibang sakit tulad ng heart at liver problem at pneumonia
“Ang ating malungkot na balita yung dati na hindi pa confirmed na reports na mayroon ngang nasawing filipino pilgrim ngayon naconfirmed na natin. Siya ay nakabased dito sa Saudi Arabia, isa siyang ofw. Magmula ng dumating rito ang first batch ng mga pilgrims hanggang sa ngayon mayroon nang naitala na siyam na namamatay na mga kababayan natin dahil sa ibat ibang sakit,kung isasama mo yung kababayan natin na namatay sa stampede sampu na sa mga pilgrims natin ang nasawi.” Pahayag ni Philippine Consul General to Jeddah Imelda Panolong
Samantala tumataas pa ang bilang ng mga nasawi at sugatan sa madugong Hajj tragedy
Ayon sa Saudi Arabian Ministry of Health umabot na sa 769 ang nasawi at 934 ang sugatan.
Ang stampede noong huwebes ay itinuturing na pinaka-grabeng aksidente sa kasaysayan ng taunang Hajj sa loob ng 25 taon. ( Mario Escoto / UNTV News )