Bilang ng nasawi sa tsunami sa Indonesia, pinangangambahang umabot ng libo-libo

by Radyo La Verdad | October 1, 2018 (Monday) | 4712

Binisita ni Indonesian President Joko Widodo ang Palu, isang Coastal City sa Sulawesi Sland na sinalanta ng tsunami na may dalawampung talampakan ang taas matapos yanigin ng 7.5 magnitude na lindol noong Biyernes.

Batay sa mga ulat, lagpas 832 na ang nasawi at pinangangambahang tumaas pa sa libo-libo dahil nahihirapan ang mga rescuer na abutin ang mga outlying communities matapos maputol ang mga linya ng komunikasyon.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang search and rescue operations ng Indonesian Government upang mailigtas ang mga taong napaulat na na-trap sa gumuhong mall at hotel sa Palu matapos ang lindol at tsunami.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang Philippine Government sa Indonesia at handa ring magpaabot ng tulong.

Batay sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), isang Pilipino lang ang naka-base sa naapektuhang lugar ng lindol at ligtas ito mula sa sakuna.

Tags: , ,