METRO MANILA – Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 8 na ang mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Karding.
5 dito ang mula sa Bulacan, 2 sa Zambales at 1 sa Quezon. 3 mangingisda din ang naitalang nawawala pa sa Mercedes, Camarines Norte.
Kaugnay nito, nasa mahigit 60,000 pa ang apektadong indibidwal sa Ilocos region, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Cordillera.
Sa ulat ng NDRRMC nasa P3M halaga ng napinsalang infrastracture ang naitala sa Mimaropa habang mahigit P1.5M sa agriculture ang naitala sa Cordillera.
Nasa 20 paaralan naman ang nagtamo ng infrastructure damages.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Cordillera, Regions 1 at 3, Region 4-A.
Aabot sa 112 million ang hinihinging pondo ng DepEd para sa pagsasaayos ng mga nasirang paaralan.
Tuloy -tuloy naman ang ginagawang pamamahagi ng relief goods ng PNP at AFP sa mga lugar na apektado ng bagyo. Bukod pa dyan ang pagtulong sa paglilinis sa mga kalsada mula sa mga bumagsak na puno.
Base sa report ng NDRRMC, nasa mahigit P2.6M na halaga ng humanitarian assistance ang naibigay na ng pamahalaan katuwang ang mga partners nito sa Regions 1, 2, 3, 4A, at 5.
Tags: Bagyong Karding, NDRRMC