Bilang ng nasawi sa lindol sa Ecuador, tumaas pa

by Radyo La Verdad | April 17, 2016 (Sunday) | 1698

ECUADOR
Umakyat na sa 233 katao ang bilang ng mga nasawi habang daan-daang naman ang sugatan sa pagtama ng 7.8 magnitude na lindol sa Ecuador.

Naramdaman ang matinding pagyanig sa Quito capital.

Mula sa mga lugar na Portoviejo City, Manta City at Guayaquila na ilang daan milya lamang ang layo sa lugar kung saan tumama ang lindol ang mga napaulat na nasawi.

Ayon sa United States Geological Survey, naitala ng sentro ng pagyanig sa 173 kilometers West-Northwest ng Quito at sa 27 kilometers South-Southeast ng Muisne at may lalim itong sampung kilometro.

Dahil sa lindol, agad na nagdeklara ng state of emergency sa buong Ecuador.

Ito na ang pinakamalakas na lindol na yumanig sa Ecuador simula noong 1979.

(UNTV NEWS)

Tags: