Bilang ng nasawi sa landslide incident sa City of Naga, Cebu, umabot na sa 60

by Radyo La Verdad | September 26, 2018 (Wednesday) | 5352

Hindi pa rin tumitigil ang mga responder sa pagsasagawa ng search and rescue operations sa pag-asang mahukay ang mga residenteng posibleng natabunan ng gumuhong lupa sa Sitio Sindulan, Brgy. Tinaan, City of Naga, Cebu.

Sa ika-limang araw ng operasyon, umabot na sa animnapu ang naitalang nasawi, habang labing walo ang injured at dalawampu’t walo ang patuloy pa ring pinaghahanap.

Kaugnay nito ay pinoproseso na ng pamahalaang lokal ng City of Naga ang assistance para sa mga namatayan at injured.

Kaugnay nito ay nangako naman ang Apo Land and Quary Corporation na magbibigay din ng assistance sa mga pamilyang apektado ng landslide.

Hiniling ni Mayor Chiong na magbigay ang nasabing kumpanya ng dokumento o pagpapatunay para sa ipinangako nitong tulong.

Ang quary operation ng Apo Land and Quary Corporation ang itinuturo ng ilan na dahilan ng landslide incident, bagay na itinanggi na kumpanya dahil anila tanging road site development lamang ang kanilang ginagawa.

 

( Gladys Toabi / UNTV Correspondent )

Tags: , ,